Bakit laging suspended? Nagsasawa na ko. Gustong-gusto ko na ipacheck ang aking takdang-aralin sa matematika.
Bakit naging SUPER TYPHOON si Egay, (o si Sepat, para you know masaya!)? Ang hassle naman o.
Kawawa naman ang asignaturang PhilHis. Namimiss ko na si Gng Ramirez. Antagal na naming hindi nagkita. Nang dahil kay Chedeng, Dodong at lalung-lalo na kay Sepat. Hmph :|
Kasi naman si Sepat. Lalo pang lumakas! Yan tuloy, walang MSEP ngayon. Kawawa naman ang maglalakbay-aral ngayon (maga silid-bilang 1, 2 at 6 - sa unang taon ng sekundarya), hindi rin sila natuloy.
Sepat, maawa ka naman sa mga Pinoy. Naghihirap na nga ang aming bansa, daragdagan mo pa ng hagupit mo. Ang hassle naman!
Tsaka, bakit nung araw ng MSEP ka pa humagupit? Ang salot mo naman sa lipunan. Alam naming may mabuti kang puso. So, chill and rellax Sepat - chillax! :))
Kelan kaya matutuloy ang MSEP? Sana sa tuesday na lamang. Bahala na ang Poong Maykapal. :)
Hanggang sa muli!
Nagpapaalam.
Egayl, este Anaye :))
Suspendido na naman ang klase ngayon - at bukas.
Nasabi ko na ba? Na ang silid namin ang nanalo sa piesta ng mga awitin sa aming batch?
Kami ang First Place! Patawarin nyo ko sa aking panghahambog.
Sana matuloy ang MSEP challenge, para matapos na.
Masaya ako ngayon. Sana lagi akong masaya. :D
May kwento ako.
Inaamin ko. Sa bihirang pagkakataon, gumagamit ako ng calculator sa mga takdang-aralin namin sa Matematika. Tandaan, bihira lamang ito.
Nasa aking silid-tulugan ako, Ihahati ko sana ang 600 ng 86. Kukuhanin ko sana ang calculator ko sa aking bag. Tapos WALA!! Edi, alalang-alala ako nuong mga panahon na iyon. Ang mahal pa ng calculator na iyon, mga Php 2000 ata. Inisip ko baka pagalitan ako ng ating magulang at hindi na ako bibilhan ng mga bagay na mahal, at hindi ako pasamahin sa MSEP, at sa Field Trip. Baka maging miserable ang buhay ko, nang dahil sa isang scientific calculator. HINDEEH!! Nagdasal pa ako kay St. Anthony de Padua.
Pagkalipas ng isang oras na pagbabalisa, lumabas ako ng aking silid-tulugan. Nag-kompyuter ako. At ito, sa tabi ng kompyuter, NAKITA KO ANG AKING SCIENTIFIC CALCULATOR!!! Parang ako, Shiiiiyyyet! :)) Pero, nagpapasalamat ako kay St. Anthony de Padua. :-)
Hindi ko pa napapanood ang Marimar. Harharha 8D
Babala: Ang mga nakasaad sa baba ay nasa salitang Ingles.
For, Celina, Sherisse, Loren, Gaspie, Marian at Monina.
Shopping for Cooking!
Saturday, after MSEP. For Loren, 3:30 pm
SM Hypermart and Tiendesitas.
up to 8:00 pm
RSVP: whoever knows the details.
Hanggang sa muli!
Nagpapaalam.
Anaye :))
PS: ANG GWAPO NI JAMES DEAN!!! :))
Suspendido ngayon ang klase sa lahat ng antas sa NCR! Salamat sa iyo, bagyong chedeng.
May ginagawa ako ngayon. Nananaliksik ako ng aking ulat sa Agham. May pakiramdam ako na bababa ang aking mga marka. Ayokong magyari iyon. :((
Kung gusto ninyo malaman ang ating panahon sa mga sususunod na araw, pumunta kayo sa...
Pero ako, hindi ko na kailangan. :))
Hanggang dito na lamang muli!
Nagpapaalam.
Anaye :D
Sa ngayon, gumagawa ako nang ulat ukol sa experimento namin sa laboratoryo sa Agham. Hindi ko alam ang problema sa experimento namin. Kung ikaw ay Sulong-Dunong sa Aghan, mag-iwan kayo ng mensahe na nagsasaad ng problema sa experimento.
Masaya ako ngayon. Ang saya sa ICASS! Siyang tunay! Hindi sapat ang aking dunong para sa paligsahan na iyon. Pero wala akong pakialam, masaya naman e.
Nawa'y pagpalain ako ng swerte.
Hanggang sa muli!
Paalam,
Anaye Liag :))
Ako si Anaye. Kung kilala nyo ko, baka hindi kayo maniwala. Kung alam nyo ang buong pangalan ko, malamang alam nyo ang dahilan kung bakit BUHAY ITLOG ang naisip kong ngalan ng pampublikong talasulatan sa internet (PamTaSI).
Kung naiintindihan mo ako, Baka Pinoy ka, o di kaya, isang dayuhang nag-aaral nang wikang Filipino.
Pangarap kong magkaroon ng PamTaSI noon pa. Kaya gumawa muna ako ng PamtaSI sa Ingles, sa Xanga. Ito'y http://xanga.com/yanaa1624 . Ngayon 2 na ang aking PamtaSI.
Alam nyo ba kung bakit VOX ang napili kong komunidad ng mga PamTaSI?
Dahil hindi ito masyadong kilala sa ating mga Pinoy.
at sa mga Paulinian.
Sa SPCP ako nag-aaral, menor de edad pa ako.
Hanggang dito na lamang ako.
Hanggang sa muli!
Paalam.
Anaye :))
*maglagay kayo ng inyong mga saloobin, opinyon at komento.

Malay. Dati nga may Dry Spell sa Gitnang Luzon e. Ang labo ng ating, este aming kalikasan read more
on Chillax, Sepat!